Matapos ang suicide bombing | PAGSUSUOT NG BELO, BAWAL
- Jersey Sanchez
- May 1, 2019
- 1 min read
KASALUKUYANG ipinagbabawal ng mga awtoridad sa Sri Lanka ang pagsusuot ng kababaihan ng belo o burqa matapos ipatupad ang emergency law sa bansa.
Ito ay matapos ang suicide bombing na naganap noong Abril 21.
Ang naturang batas ay makatutulong umano sa mga awtoridad upang maayos na makita ang mukha ng mga sibilyan bilang paghahanap sa mga nakatakas na militante pati ang mga kasabwat ng mga ito.
Gayunman, umani ito ng iba’t bang reaksiyon sa Muslim community dahil maaari umanong magkaroon ng tensiyon sa bansa kung patatagalin ang ganitong panuntunan dahil posible itong maging daan upang umusbong ang civil war.
Samantala, nagbigay-babala ang mga awtoridad tungkol sa mga hinihinalang suspek na maaaring gumamit ng van at magkunwaring miyembro ng militar.
Ayon sa Presidential Spokesperson Dharmasri Bandara Ekanayake, mismong ang presidente ang nag-utos na agad ipagbawal ang anumang uri ng kasuotan na maaaring magtakip sa mukha.





Comments