top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAABOT ANG MGA PANGARAP KUNG MAGSISIKAP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1, 2019
  • 3 min read

KATANUNGAN

  1. Bakit ‘yung uncle ko, hindi naniniwala sa mga hula? Pero, success­ful ang buhay nila. Masa­sabi kong mayaman sila, may magandang bahay, sariling sasakyan at pare­ho silang may magan­dang trabaho ng tita ko.

  2. Kapag nakikita niya akong nagbabasa ng BUL­GAR, lalo na ‘yung tung­kol sa hula, pinagtatawa­nan niya ako. Sabi niya, huwag daw akong mani­wala sa mga hula dahil hin­di raw nakatakda ang kapalaran, bagkus, gina­gawa lang daw ito ng tao.

  3. Kaya minsan, nali­lito tuloy ako, kung ma­niniwala ba ako sa na­ka­takdang kapalaran o sad­yang ginagawa talaga ang kapalaran at nasa tao na lang kung anong kapala­ran at ambisyon sa buhay ang nais nilang maabot?

  4. Ang sabi pa ng uncle ko, maaabot mo raw ang iyong pangarap basta nag­sikap at determinado ka talagang abutin ito. Tama ba ang uncle ko?

  5. Sa tingin ninyo, ano ang aking magiging ka­pa­laran? July 7, 1994 ang birthday ko.

KASAGUTAN

  1. Tama ang uncle mo, Ms. Cancer, tunay ngang may mga kapalaran o am­bisyon sa buhay na kaya ta­la­gang gawin ng tao, lalo na at determinado o sabihin na nating whole heartedly mo itong gagawin.

  2. Ito ang tinatawag na “will power”. Sa law of suc­cess, partikular sa libro ni Napoleon Hill na “Think and Grow Rich”, ito ang ti­na­tawag na “burning desire” o nag-aapoy na pagnanasa sa bagay na gustung-gusto mo talagang makamit.

  3. Dahil nag-aalab ang iyong pagnanasa at deter­mi­nado ka talagang gawin ito, obligado na sasamahan mo ito ng matinding pagsisikap at pagsasakripisyo para lang makuha mo ang gusto mo. Kaya sabi ni Og Mandino sa kanyang librong “The Greatest Salesman in The World”: “Hindi ako titigil hang­gang sa magtagum­pay. Kapag sapat ang aking pag­nanasa, hindi ako umaayaw at ako ay nagpapatuloy. Ako ay magwawagi at mana­naig!”

  4. Ngunit, dapat din na­ting alalahanin na hindi lahat ng tao ay may “will power” na tinataglay. Gayundin, hin­di lahat ay may “burning de­sire” o determinado sa ka­ni­lang buhay para mag­ta­gumpay.

  5. Dahil sa katotohanan, iilan lang silang pinagkalooban ng Dakilang Lumikha ng pag­kakaroon ng talentong buo ang loob o kakayahang mag­pumilit sa kabila ng maraming pagsubok at mga balakid.

  6. Ito ang dahilan kung bakit mas maraming tao ang bigo kaysa sa mga tagum­pay. Ito rin ang da­hilan kung bakit mas ma­raming malung­kot, hiwalay sa asawa, bro­ken-family, naghihirap at hindi umu­unlad ang buhay.

  7. Ano ang kaugnayan ng takdang kapalaran sa mga binabanggit nating law of success na nasa itaas?

  8. Hindi alam ng uncle mo, Ms. Cancer, na may mga taong pinagkalooban ng will power, burning desire at determinasyon na magta­gumpay sa buhay. Sila ‘yung mga taong may malalaki at matatabang itaas na bahagi ng daliring hinlalaki (Drawing A. at B. arrow a.) sa kaliwa at kanang palad. Kaya min­san, ‘pag sinesermunan ka ng uncle mo, palihim mong mas­dang maigi, ang itaas na ba­hagi ng kanyang daliring hin­­lalaki, matutuklasan mong bukod sa mataba ang ba­ha­ging ito, mas mahaba ito kay­sa sa pangalawang hati ng daliring hinlalaki.

  9. Kapag malaki ang ita­as na bahagi ng daliring hin­lalaki, (arrow a.) sa kaliwa at kanang palad, ibig sabihin, mataba, well-pronounced at malaman kung saan nagkata­ong may good-looking straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) pa siyang tinataglay sa kaliwa at kanang palad, walang duda, ang ta­ong ito ay yayaman, uunlad at magtatagumpay sa lahat ng kanyang naisin sa buhay, regardless kung naniniwala ba siya o hindi sa hula o tak­dang kapalaran.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sabi ni Jesus, “Hindi nangangailangan ng mang­gagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. Napa­rito Ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal.” (Marcos 2:17).

  2. Sinasabi ko naman sa inyo, ‘yung mga matagum­pay na, masagana ang bu­hay, maliligaya at walang mga problema, hindi na talaga nila kailangan pang matuklasan kung ano ang magiging ka­palaran nila dahil nasa ma­liga­yang estado na sila ng pa­mumuhay sa kasaluku­yan.

  3. Subalit, ‘yung mga ta­ong hindi pa mayaman o ma­­ligaya, naghahanap ng ma­pa­pangasawa at panghabam­buhay na relasyon at marami pang iba, bago mahuli ang lahat, kailangang matuklasan nila ang tamang landas kung paano liligaya at magtata­gumpay na siyang pang-araw-araw nating itinuturo at tinatalakay sa ating mga artikulo.

  4. Samantala, Ms. Can­cer, kung kamukha mo ang daliring hinlalaki ng uncle mo, mataba at malaman, (arrow a.) at may straight at good-looking Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, tiyak ang magaganap, kahit hindi ka maniwala sa hula tulad ng uncle mo, yayaman ka rin at magkakaroon ng ma­unlad at maligayang ka­ranasan, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page