top of page

Kaya tiis-tiis lang sa amoy nito, mga besh… 9 BENEFITS NG ALOE VERA, ALAMIN!

  • Ronalyn
  • May 1, 2019
  • 3 min read

Akala ng marami, pampaganda at pampalago lang ng buhok ang aloe vera o ang tinatawag na sabila, pero knows ba ninyo mga ‘tol na higit pa riyan ang nagagawa ng aloe vera? Ang gel ng aloe vera ay punum­puno ng vitamins, enzymes, minerals at amino acid, kaya narito ang mga bene­pisyo nito:

1. PANGGAMOT SA KAGAT NG INSEKTO. Summer is in, kaya lamok is in na rin! Naiinis na ba kayo sa makating kagat ng lamok? Aloe vera ang sagot diyan, mga lodi! Ayon sa Healthline, ang taglay na anti-inflammatory ng aloe vera ay tumutulong para maba­wasan ang pangangati at paglaki ng pantal na dulot ng kagat ng lamok at iba pang insekto.

2. PANTANGGAL NG MAKE-UP. Kada­lasan ay gumagastos tayo sa mga mamaha­ling cleanser para ma­tanggal ang make-up na hindi naaalis sa paghi­hilamos. Pero, may mga pagkakataon ding epic failed dahil natanggal nga ang make-up, pero nag-iwan naman ito ng irritation sa balat. Para hindi na mag-suffer sa mga produktong nakasisira ng kutis, aloe vera ang solusyon natin diyan. Madali nitong natatanggal ang make-up at hindi lang ‘yan, ginagawa pa nitong hydrated ang ating kutis kung saan nalinis na ang mukha mo, gumanda pa ang kutis mo!

3. PANGGAMOT NG SUNBURN. Dahil tirik ang sikat ng Haring Araw, maraming kaba­ba­yan natin ang sabik na sabik sa beach at swimming pool kaya naman yumayaman ulit ang mga pagawaan ng sun- block, pero knows ba ninyo na ang aloe vera ay nakagagamot din ng sun burn? Ayon sa American Academy of Dermatology, ang ilang sun block gels ay mayroong mga kemikal na maaaring magpalala ng sunburn habang ang aloe vera ay mayroong kakayahang makagamot ng sunburn at makapag­-renew ng balat!

4. PANG-MOISTURIZE NG BALAT. Ayon sa aesthetician na si Kim Chang, ang aloe vera ay mabisang moisturizer sa kata­wan, ngu­nit, mas ma­gan­da itong gamitin sa mukha dahil hindi ito nakapagpapa­gas­­pang ng kutis. Ayon sa mga eksperto, ang dinu­rog na aloe vera ay mabisa ring gamot sa psoriasis at sa pagka­kaliskis ng balat. Pe­ro mga lodi, may taglay na exfoliator ang aloe vera na hindi ma­gan­da kung aaraw-arawin, kaya huwag gawing bisyo ang paglalagay nito, okiee?

5.PANTANGGAL NG DANDRUFF. Ayon sa dermatologist na si Michelle Green, hindi lamang buhok ang napagaganda ng aloe vera kundi maging ang anit o scalp din. Dagdag pa rito, nakatatanggal din ito ng dandruff.

6. PANGANGA­LAGA SA DIGESTIVE SYSTEM. Dahil sa taglay na laxative ng aloe vera, nakatutulong ito upang maging ma­ayos ang daloy ng pag­kain sa digestive tract. Bukod dito ay maiiwa­san din ang problema sa pagdumi, constipation, pagsakit ng tiyan at ulcer dahil sa katas ng sabila. Ang pag-inom ng katas nito na inihahalo sa gatas ay mabisang gamot sa diarrhea.

7. MAAYOS NA DETOXIFICATION NG KATAWAN. Maya­man ang sabila sa amino acid at bitamina kaya nagagawa rin nitong tulungan ang kidney sa paglilinis ng katawan sa pamama­gitan ng pag-alis ng mga dumi at toxin.

8. PAGBABAWAS NG TIMBANG. Ka­sabay ng pagkain ng tama at pag-eeher­sisyo, ang aloin na matatagpuan sa aloe vera ay solusyon para ma-achieve ang pagba­bawas ng timbang at pagpapapayat.

9. PANG-IWAS SA DIABETES. Kapag ang glucose o sugar sa dugo ay masyadong tumaas, doon aatake ang diabetes. Ang sabila ay mayroong kakaya­hang balansehin ang lebel ng asukal sa iyong katawan. Ang taglay nitong magnesium, manganese, zinc at chromium ay nagpa­parami ng pro­duksiyon ng insulin na siyang kumokontrol sa sugar na nasa katawan.

Now you know, mga ‘tol! Ooops, teka, bago natin makalimutan, kung duda kayo, aprub din ng Food and Drug Association (FDA) ang aloe vera bilang halamang puwedeng kainin.

‘Ika nga ng tropa nating author na si Peter Simons, “thereby further effectuating the body’s defense mechanisms i.e. the antiparasitic, antiviral, antibacterial and antifungal properties are underlined. For this reason, aloe vera should always be a part of a bowel cleanse.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page