top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kaalaman tungkol sa senior citizen discount at promotional discount

Writer: BULGAR
BULGAR
May 1, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Senior citizen ang aking ina, noong bumili kami sa grocery ay hindi binigyan ng dalawampung por­siyento (20%) na discount ang produkto na kanyang binili at ang dahilan ng customer assistant ay naka-promotional discount daw ang kanyang binili na tatlumpung porsiyento (30%). Nais kong ma­la­man kung tama ba ang ginawa ng customer assistant? — Merly

Dear Merly,

Para sa inyong ka­ala­man, ang inyong katanu­ngan ay tinata­lakay sa Republic Act No. 7432, as amended by Republic Act No. 9257 o Expanded Senior Citizens Act of 2003. Nabanggit sa Section 4 ng nasabing batas na:

“SEC. 4. Privileged for the Senior Citizens. – “In the purchase of goods and services which are on promotional discount, the senior citizen can avail of the promotional discount or the discount provided herein, which­ever is higher.”

Malinaw na nabang­git sa nasabing probis­yon ng batas na kapag bumili ang senior citizen ng kalakal o anu­mang serbisyo na naka-promotional discount ay maaari lamang ni­yang mapakinabangan ang isa sa mga ito, kung alinman ang mas mata­as ang diskuwento sa pagitan ng senior citizen discount o promotional discount.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkaka­in­tindi namin dito. Maaa­ring maiba ang opinyon kung mayroong karag­da­gang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page