For sure, relate ang mga beshy natin diyan na mayroong “totga”... MGA DAHILAN KUNG BAKIT INIIWAN SA
No Problem

NARANASAN mo na bang maiwan ng taong mahal mo? Ang sakit, ‘di ba? Pero, minsan, kailangan din nating intindihin kung bakit may nang-iiwan at anu-ano ang kanilang mga dahilan:
1. AFFAIRS. May mga taong nang-iiwan dahil may iba na silang napupusuan. ‘Yung tipong nagsawa na sila sa routine ninyo, kaya ibang company naman ang gusto niyang samahan.
2. BOREDOM. Ang pagiging bored ay maraming naidudulot na hindi maganda, lalo na sa pakikipagrelasyon kung saan kapag na-bored sa iyo ang dyowa mo, for sure, iiwanan ka niyan. Aww!
3. BATTLE FATIGUE. Ito ‘yung pagkakataon na palagi na kayong nag-aaway na sa totoo lang ay hindi na healthy para sa inyong relasyon.
4. RUNNING FROM MATURITY. Kapag ang tao ay natakot sa responsibilidad, malamang, iwanan ka rin niyan dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi pa siya handa sa mga ganyang bagay.
5.CHANGING DREAMS AND GOALS. Isa rin sa mga dahilan ang pagbabago ng mga pangarap sa buhay kung saan maaaring hindi ka na kasama ru’n o kaya ay alam nilang hindi ‘yun ang trip ninyo.
Kaya kung isa ka sa mga beshy natin diyan na naiwanan, alam mo na, ha?
Pumili ka na lang ng isa sa mga dahilan kung bakit nila ‘yun nagawa sa inyo.
Palagi ninyong tatandaan, “life must go on”!
Gets mo?





Comments