FIRST TIMER GALERIO, GOLD SA PALARO DISCUS THROW

DAVAO CITY – First time pa lamang sumali sa Palarong Pambansa pero nagpakitang-husay na ang isang atleta mula sa Central Luzon. Nakapagbulsa ang atletang si Bellanca Marie Valerio ng gold medal sa discus throw mula sa Angeles City, Pampanga. Nakapagtala si Valerio ng 33.74 meters upang matalo niya ang may 16 niyang kalaban.
Hindi rin inakala na magwawagi ang batang si Valerio dahil nitong nakaraang taon lang ito nadiskubre at nagsimula lang magsanay noong Agosto 2018 at isinabak na sa ilang kompetisyon para mahasa pa ang galing. Ang pagkakasungkit niya ng gold medal ay isang nakagugulat ding achievement ng bata gayung baguhan lamang ito sa naturang larangan.
Nagsilbing inspirasyon kay Valerio ang kanyang magulang na naghihikayat sa kanya na pagbutihin pa ang performance. Napunta sa NCR ang silver at bronze sa Western Visayas.





Comments