top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

COSTUNA, RUNAWAY CHAMPION SA MAIMPIS 12-UNDER CHESS

Eddie M. Paez Jr.
May 1, 2019
1 min read

TILA nagsilbing ins­pirasyon para kay Chris­tian Erickson Costuna ang pagbibigay sa kanya ng mga eksperto ng taguring “topseed” matapos ni­yang dominahin ang mga kalaban nang walang anu­mang natamong ga­los sa pagtatapos ng Ma­impis Chess Tournament Kiddies 12 and Under sa San Fernando, Pam­panga.

Sumibad si Costuna sa pitong magkakasunod na rounds para tanghaling runaway champion.

Tumiklop sa tikas niya sa board sina Timothy Jerrock Fortin, MJ Fitz­gerald Manuel, Darrel Dave Castro, David An­dres Bunagan, James Hen­ry Calacday, Oshrie Jhames Reyes at Oliver Jhace Fortin para sa wa­lang mantsang kartada na pitong puntos.

Isang buong puntos sa likod ng kampeon si Lymwel Bansil, seeded 17th lang sa paligsahan, na kumuha ng pangala­wang puwesto.

Anim na panalo mula sa pitong laro ang naire­kord niya. Ang tanging pagkatalo niya ay natik­man sa kamay ni 5th ran­ked James Henry Calac­day na umiskor ng 5.0 puntos.

Ganitong kuwento rin ang nangyari sa Magic Mall Rapid Chess Tourna­ment Under 12 sa Panga­sinan matapos mama­yag­pag ang pambato ng Lin­gayen at pre-tournament favorite na si Mark Noah Ventayen dala ang walang mantsang rekord na anim na panalo sa anim na laro.

Bagamat may 1825 na rating lang ang kampeon, sumibad sa 2270 ang naging performance ra­ting niya sa paligsahan.

Si Quezon City ace James Yuri Barcelon ang naging bridesmaid dahil sa naipon niyang limang puntos samantalang ma­la­yong pangatlo ang wood­pusher mula sa Angeles City na si Elijah Gabriel Santiago matapos itong makapagrehistro ng 4.5 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page