Baril inilagay sa cabinet, pumutok | PULIS, SAPOL SA ULO

KRITIKAL ang kalagayan ng pulis makaraang aksidenteng mabaril ang kanyang sarili sa Davao City.
Ginagamot sa Davao Doctors Hospital si Patrolman Lloyd Ligue, 25, nakatalaga sa Mobile Patrol Group ng Davao City Police Office (DCPO) sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo.
Bago ang insidente, nakaranas umano ng pananakit ng sikmura ang pulis kaya sumaglit munang umuwi sa kanyang boarding house.
Habang tinatanggal umano ni Ligue ang kanyang baril at inilalagay sa ibabaw ng cabinet nang bigla itong pumutok at nasapol ito sa ulo.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.





Comments