top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA MGA ANINO NA NAKIKITA KAPAG MAY MAMAMATAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1, 2019
  • 1 min read

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa kasagutan sa email ni Russel ng Russel_Rus­sel@facebook.com

Sa iyo Russel,

Ngayon ay pag-usapan natin ang tungkol sa mga anino na nakikita kapag may mamamatay.

Nangyayari ang ganito kapag ang mamamatay ay may sakit kung saan napa­kataas ng kanyang lagnat at ang kanyang nakikitang anino ay isa sa mga pro­dukto ng kanyang halluci­nation.

Marami ang nag-a­akala na ang ganitong ku­wento ay hindi totoo dahil ang mga anino ay hindi rin totoo, kaya lang, wa­lang sapat na batayan na ang bunga ng hallucina­tion ay hindi totoo dahil ang tu­nay na katotohanan ay pu­munta ang may sakit sa kabilang dimensiyon.

Sa lugar na kanyang napuntahan ay nakakita siya ng mga anino.

Kapag ang tao ay nag­karoon ng sobrang taas na lagnat, ito ay katumbas ng sakit sa kasukasuan.

Sa mga Bible reader, alam na alam nila ang term na ka­sukasuan at katawan dahil letra-por-letra itong naka­sulat sa Bibliya.

Ayon sa nasusulat, “ang salita ni God ay ma­talas pa kaysa sa espadang may dalawang talim na tu­matagos sa paghihiwalay ng kasukasuan at ng kata­wan.” Huminto ka muna, iho, isipin mo ang mga sa­litang nabasa mo.

Naisip mo, talagang napakasakit ng espada ni God? Sobrang sakit, ‘di ba? Ang totoo nga, ang ti­natawag na torture ay ‘yung tipong lahat ng ma­sasakit ay gagawin sa iyong katawan.

Dagdag pa rito, ang bumagsak na litrato ng mamamatay na ay nang­yayari sa uri ng premo­ni­tion kung kailan nadarama o nasasagap ng tao ang kanyang pagpaparam­dam.

Ibig sabihin, ang kalu­luwa ng mamamatay na o kamamatay pa lang ay pu­munta na sa kanyang ka­kilala o mahal sa buhay para iparamdam na siya ay malapit nang mawala.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page