top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

3 sunog sabay-sabay sumiklab sa kyusi

V. Reyes
May 1, 2019
1 min read

APEKTADO ang mara­ming pamilya sa tatlong sabay-sabay na sunog na na­ganap sa Quezon City, Mar­tes ng hapon.

Batay sa paunang im­pormasyon mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), aabot na mahigit 400 bahay ang tinupok sa sunog sa Am­buklao, Mendez Road, Bgy. Baesa sa nasabing lungsod.

Alas-6:00 ng gabi nang itaas sa Task Force Bravo ang sunog sa Bgy. Baesa kung saan isa ang paunang naiulat na nasugatan.

Kasabay ng sunog sa Bgy. Baesa ang paglaki rin ng apoy sa Sinagtala, Bgy. Bahay Toro na iniakyat sa ika­limang alarma.

Sinasabing gawa sa light materials ang mga bahay na tinupok sa dalawang baran­gay kaya mabilis na lumaki ang apoy.

May naganap ding su­nog sa Bgy. Sto. Cristo ng nabanggit na lungsod na itinaas sa third alarm.

Patuloy pa ang pagsisi­kap ng mga bumbero na sabay-sabay na maapula ang apoy habang isinusulat ang balitang ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page