2 tulak tepok sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- May 1, 2019
- 1 min read
CEBU CITY—Dalawang drug pushers ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. San Nicolas sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Gerly Luwage at Junel Lasam, kapwa residente ng Bgy. Lawaan III, Talisay City.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation sina Luwage at Lasam, pero bigla nilang pinagbabaril ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang mga suspek.





Comments