top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Umawat sa away | KELOT SINAKSAK, DEDBOL

  • Mylene Alfonso
  • Apr 30, 2019
  • 1 min read

PATAY ang 38-anyos na tricycle driver matapos pagbalingan ng ex-convict nang umawat sa away ng isang kaibigan, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa magkabilang tagiliran ang biktimang si Leoncio Natividad, ng Sta. Cruz, Manila.

Habang sugatan naman sa dalawang daliri ang isang Fernando Naz, ng Sta. Cruz.

Arestado naman ng mga barangay tanod ang suspek na si Rommell Timoteo alyas Barok, miyembro ng Sputnik Gang at nasa kustodiya na ng Manila Police District-Homicide Section.

Batay sa imbestigasyon ni PCorporal Camilo Ross Cunanan, alas-10:10 ng gabi nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Pedro Guevarra at Fugoso Sts., Sta. Cruz.

Nalaman na nagsisigaw ang suspek sa harap ng ina ni Naz at naghahamon pa ng away.

Inawat umano ni Naz ang suspek sa ginagawa.

Rito na lumapit si Natividad sa suspek para yakapin at awatin pero, siya ang napagbalingan na saksakin sa magkabilang tagiliran ng suspek.

Agad namang isinugod ang biktima sa pagamutan pero, hindi na ito umabot nang buhay.

Tinangka pang tumakas ng suspek pero, dahil sa mabilis na responde ng mga barangay tanod ay nahuli ito at narekober ang patalim na ginamit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page