top of page
Pokwang.jpg

Tulak pumalag sa pulis, utas

Levi Gonzales
Apr 30, 2019
1 min read

TODAS sa pulis ang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos umanong manlaban sa Bgy. Balakilong, Laurel, Batangas.

Pasado alas-3:00 ng madaling-araw nang isinagawa ang operasyon laban sa suspek na si Regie Landicho, kung saan gumamit pa sila ng isang confidential agent upang makabili ng ilang bulto ng shabu.

Sa kalagitnaan ng negosasyon, nakatunog itong pulis ang kanyang kausap kaya bumunot ng baril at pinaputukan ito.

Masuwerteng hindi ito tinamaan dahil sa proteksiyon sa katawan hanggang sa gumanti na lamang din ang pulis ng putok.

Duguang bumulagta ang suspek na agad isinugod sa pagamutan ngunit, idineklara itong dead-on-arrival.

Narekober sa crime scene ang 25 gramo ng pinaniniwalaang shabu, motorsiklo, baril at mga bala nito.

Ang suspek ay napag-alamang dati nang nakulong noong 2015 at kalalaya lamang noong 2018.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page