Sakto ngayong mainit ang labanan sa puwesto... TIPS PARA SA MATALINONG PAGBOTO

KASABAY ng mga sakuna at trahedya, mainit na rin ang labanan sa politika kung saan kahit na ang magkakadugo ay nagtatalu-talo para sa iisang puwesto. Alam nating maraming Pilipino ang hanggang ngayon, eh, dehins pa rin nakapipili kung sino ang kanilang iboboto. Narito ang ilang tips para sa matalinong pagboto:
1. DON’T JUST GO WITH YOUR GUTS. Simple lang ito, mga besh, in short, huwag kang maging bias. Dehins ka rin dapat magpadala sa mabilisang desisyon dahil lang sa panandaliang ipinakitang maganda sa iyo. Copy?
2. DON’T GET ALL YOUR NEWS FROM SOCIAL MEDIA. Dahil talamak na ang fake news sa social media, hindi ito ang dapat ninyong gawing basehan para sa kandidatong gusto ninyong iboto. Tandaan, sa social media marami ang puwedeng pagtakpan. Ganern!
3.RESEARCH BACKGROUND. Kung may napupusuan na kayong kandidato, make sure, na magre-research kayo tungkol sa mga nagawa na niya, gayundin, kung may experience ba siya o isa siya sa mga nangurakot. Joke! He-he-he!
4. HAVE AN OWN PERSPECTIVE. Lahat tayo ay may kani-kanyang paniniwala, kaya dapat matuto tayong panindigan ang tama laban sa mali.
Hindi na tayo mga bata para maging sunud-sunuran sa iba.
5. STAY UPDATED. Habang papalapit ang eleksiyon, maging updated pa rin tayo sa mga nagaganap sa ating paligid upang hindi tayo magmukhang shunga o magkamali ng ating desisyon.
Oh, ayan, labanan natin ang vote-buying dahil kailanman, ang karapatan natin bilang Pilipino dapat ay hindi mapapalitan ng kahit gaano kalaking halaga ng pera.
Vote wisely, mga ka-BULGAR!





Comments