Pusher timbog sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Apr 30, 2019
1 min read
CEBU CITY—Isang drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Carreta sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jose Alan Roble, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Roble na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments