Preso nakapuga sa ospital
ZAMBOANGA DEL SUR—Isang preso na nagpapagamot ang nakatakas, kamakalawa sa ospital sa Pagadian City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Arnaiz Cabaro, may kasong murder at preso sa Labangan Jail.
Ayon sa ulat, nagpanggap na may sakit si Cabaro kaya dinala ito ng mga awtoridad sa Asiah Hospital sa San Pedro District ng nasabing lungsod, pero nang malingat ang mga jailguard ay mabilis itong tumakas.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad upang muling madakip si Cabaro.





Comments