top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P10 milyon patong sa ulo ni Acierto

V. Reyes
Apr 30, 2019
1 min read

NAG-ALOK ang Malacañang ng P10 milyon para sa anumang impormasyon na magreresulta sa pagkakadakip sa nasibak na pulis at pinaghahanap dahil sa kasong drug smuggling na si Eduardo Acierto.

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang nasabing halaga ngunit, hindi nito nilinaw kung saan huhugutin ang malaking pabuya.

Aabot lamang sa P500,000 ang pabuya na nauna nang inialok ng DOJ para sa pag-aresto kay Peter Go Lim na may hiwalay na kasongg drug trade conspiracy.

Ani Guevarra, tututukan din nila ang pagtunton sa mga posibleng nagkakanlong o nagpoprotekta kay Acierto.

Agad aniyang dadakpin din ang mga ito kung mapatutunayang itinatago si Acierto.

Nauna nang nagpalabas ng arrest warrant at hold departure order ang korte sa Maynila laban kay Acierto at sa pitong iba pang akusado sa iligal na droga.

May kinalaman ang kaso sa pagkakapuslit ng mga magnetic lifter na naglalaman umano ng bilyung-bilyong pisong halaga ng shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page