top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mag-utol timbog sa droga

Paul Lamsen
Apr 30, 2019
1 min read

HULI ang magkapatid makaraang magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis kamakalawa ng hapon sa San Carlos City, Pangasinan.

Kinilala ang nadakip na sina Marlon at Lycel Conception, pawang mga nasa tamang edad, mga may asawa at naninirahan sa Bgy. Tarektek.

Ayon sa imbestigasyon, bandang hapon nang magsagawa ng buy-bust operation gamit ang marked money at isang nagpanggap na buyer.

Ilang sachets ng shabu ang nakumpiska mula sa mga suspek.

Napag-alaman sa mga suspek na wala umano silang ipakakain sa kanilang pamilya kung hindi sila magtutulak ng shabu kaya napilitan silang gawin ito.

Sa Maynila pa umano kinukuha ng mga suspek ang kanilang itinutulak na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page