top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gumawa ng paraan para mang-espiya sa ex-GF | KELOT, NA-TRAP SA HINUKAY NA BUTAS

  • Jersey Sanchez
  • Apr 30, 2019
  • 1 min read

ISANG lalaki ang kinailangang iligtas mula sa butas na hinukay nito para mang-espiya sa kanyang dating nobya sa Mexico.

Ayon sa Sonora State General’s Office, ginawa ng 50-anyos na lalaki ang butas sa loob ng ilang araw.

May narinig umanong ingay ang dating nobya nito ngunit, hindi nito pinansin dahil sa pag-aakalang pusa lamang ito.

Nang lumakas ang ingay, dito na tiningnan ng babae kung saan nagmula ang ingay at nakita ang dating nobyo.

Ayon sa mga awtoridad, mukhang lasing ang lalaki at uhaw na uhaw nang matapos i-rescue.

Pruweba umano ito sa paglabag ng lalaki sa restraining order na isinampa ng dating nobya dahil sa pambubugbog nito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page