top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo; dagdag-suweldo, inihihirit pa rin!

Ryan B. Sison
Apr 30, 2019
1 min read

BUKAS ay Araw ng mga Mangga­gawa, kumusta na nga ba ang ma­mamayan na todo-kayod para mabu­hay at sustentuhan ang kanilang mga pamilya?

Hindi na ba tayo ngumangawa sa kakarampot na suweldo na ating na­kukuha? Hmmm…

Sa kabila ng hirap na pinagdaraanan ng bawat isa sa araw-araw, saludo tayo sa mga nananatiling matatag at ma­tiyaga, ‘yun nga lang dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, hindi natin mapipigilan ang humiling pa ng mas mataas na suweldo.

Kaya naman ang Trade Union Con­gress of the Philippines (TUCP) ay humirit ng P710 daily minimum wage para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Matatandaang, sa ngayon ay P537 ang minimum wage rate sa NCR ma­tapos ang P25 na dagdag-sahod noong November 22, 2018.

Gayunman, sa ilalim ng batas, may­roong isang taong moratorium sa pag­hahain ng panibagong petisyon para sa wage increase maliban na lamang kung mayroong ‘supervening condition’.

Sa totoo lang, ang kasalukuyang P537 suweldo para sa mga minimum wage earner sa Metro Manila ay hindi sapat, lalo na at kaliwa’t kanan ang pagtaas ng presyo ng mga bagay na napakikinabangan ng tao dahil sa mataas na buwis.

Kung kaya pa itong itaas para ma­tugunan ang pangangailangan ng lahat, gawin!

Sa panahon ngayon, napakahirap nang kumita ng pera kaya huwag natin hayaang mapilitan ang iba na kumapit sa patalim dahil lang sa nagigipit sila sa hindi sapat na kita na pahirapan pang makuha.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page