Crane bumagsak, 4 dedo
Jersey Sanchez
Apr 30, 2019
1 min read
APAT katao ang patay matapos bumagsak ang construction crane sa mga sasakyan sa Seattle, America.
Nabatid na nanggaling ang crane sa ginagawang gusali nang mahulog sa kalsada.
Kabilang sa mga nasawi ang isang nursing student, isang sakay ng sasakyang nadaganan at dalawang trabahador na nasa bumagsak na crane.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa dahilan ng pagbagsak ng crane.





Comments