BEST-OF-3 FINALS NG BLAZE AT CARGO, SIMULA NA SA PSL


BAGONG chapter sa kanilang pagiging magkaribal ang itatala ng Petron at F2 Logistics sa sandali ng kanilang laban sa Philippine Superliga Grand Prix best-of-three finals showdown simula ngayong Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Lalakas ang emosyon sa ipakikitang paglarga ni Lindsay Stalzer dahil pakay niyang pigilan ang championship parade ng dating team sa prestihiyosong women’s club league.
Si Stalzer na rin ang itinuturing na isa sa best foreign players na naglaro sa bansa.
Namuno siya sa Foton at nasungkit ang dalawang titulo bago nakasama si American Hillary Hurley at pangunahan ang Petron sa finals ng 2017 Grand Prix. Bagamat kinapos sila laban sa Cargo Movers, muling nakabawi si Stalzer at ang Blaze Spikers nang sumunod na season at pinal na nasungkit ang korona.
Hindi nakalagda si Stalzer sa off-season kaya kinuha ng Blaze Spikers ang dating imports na sina Katherine Bell at Stephanie Niemer ngayong taon, upang mapunta siya sa Cargo Movers bilang kapalit ni American-Italian Becky Perry.
“Actually, I was pretty confident that we could make it this far. But obviously, the hardest challenge is still ahead of us. Playing against Petron in the finals would be the biggest challenge for this team,” ani Stalzer, idinagdag na motibado siyang ipamalas ang mastery laban sa parehong team na natulungan niya para sa titulo. “Of course, there’s an extra motivation because it’s against my former team, because they haven’t been beaten yet this season. Let’s see. It’s going to be a very interesting series.” (MC)





Comments