top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babala ng PHIVOLCS | HUMANDA SA MAGNITUDE 8

  • V. Reyes
  • Apr 30, 2019
  • 2 min read

MAHIGPIT ngayon ang pagmo-monitor ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng maitalang Magnitude 8 na lindol.

Kasunod ito ng naitalang mahigit 600 aftershocks kasunod ng Magnitude 5.5 na lindol sa Surigao del Norte noong nakaraang lingggo.

Kasi ‘pag mga ganyang kumpul-kumpol na lindol, although, may 5.5, marami mga Magnitude 5 or 4, parang tinatawag naming earthquake swarm ‘yan at dalawa ang possible diyan, eh, unang-una, ganyan lang ‘yan na earthquake swarm — nangyari ‘yan diyan sa ibang bahagi ng Philippine trench, offshore din ng Surigao del Norte, nu’ng early this year, nagkaroon ng Magnitude 6-something diyan sa katapusan ng activity — or minsan ay ganyan lang, ganyan lang kaliit,” paliwanag ni Director Renato Solidum.

Pero hindi natin inaalis na, kasi ang mga scenario natin diyan mga Magnitude 8, na kung ganyan ang mangyayari na malakas, eh, ‘yung tsunami naman ang ating babantayan,” dagdag pa na paliwanag nito.

Gayunman, nilinaw ni Solidum na batay sa kanilang pagmo-monitor ay wala pa namang naitatalang earthquake swarm.

“Ang isa naming tinitignan ay kung nagdi-decrease ba ‘yung bilang at pahina na, usually, wala nang malaki diyan. Pero hindi natin masasabi na ganu’n talaga at kailangang bantayan,” babala pa ni Solidum.

Batay aniya sa kasaysayan ng bansa, maraming nangyaring earthquake swarm na hindi nasusundan ng malaking pangyayari.

Subalit, binigyang-diin ni Solidum na nangangailangan pa rin na mabantayan ang mga paggalaw.

“Although, ‘di natin masasabi kung talagang ito’y dederetso sa ganu’n, sana hindi, ang kadalasan ay tumitigil lang na ganyan lang pero, we don’t know so, we have to be prepared always,” ani Solidum.

Sinabi pa ni Solidum na wala pang nakikitang pattern sa ngayon na maaaring mauwi sa Magnitude 8 ang mga pagyanig na naitatala sa Surigao del Norte.

Ang binabantayan po namin kung may pattern, mahirap magsabi na may pattern sa ngayon, ang pattern po na dumadami at lumalakas, may ibig sabihin ‘yun, baka tumuloy sa malaki, eh, wala pa kaming nakikita na pattern; pero kahit wala pong pattern, minsan sumusulpot ‘yung malaki,” diin pa ni Solidum.

Muling ipinaalala ng opisyal ang pangangailangan na maging handa ang publiko sa lindol at mahalagang batid ng lahat ang mga nararapat na gawin sa panahon ng kalamidad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page