top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

4 todas sa anti-drug operation

Jeff Tumbado
Apr 30, 2019
1 min read

PATAY ang apat na suspek sa iligal na droga kasunod ng buy-bust operation sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, Linggo ng gabi.

Sa paunang impormasyon na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang dalawa sa mga suspek na sina Rizza Fernando at Paul Santos.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na nagsilbing back-up.

Nauna rito, nakatunog umano ang grupo ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon. Tinangka ng mga suspek na takasan ang pulisya hanggang mauwi sa engkuwentro at mapatay ang apat.

Aabot sa P500,000 ang halaga ng drogang nakuha mula sa mga suspek.

Ayon kay Police Major Ariel Enriquez, narekober din sa lugar ang isang notebook na naglalaman umano ng mga pangalan ng mga taong katransaksiyon ng apat.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page