top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

23 yrs. nang kasal… SHARON, TODO-EMOTE LANG SA MGA PROBLEMA PERO TODO-TIIS PA RIN KAY SEN. KIKO

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 30, 2019
1 min read

TWENTY-THREE years nang mag-asawa sina Sharon Cuneta at Senator Francis Pangilinan na nagdiwang ng kanilang wedding anniversary last April 28, 2019.

Sa kabila ng mga emote at hugot ni Megastar sa kanyang social media accounts, still, sila pa rin daw ni Sen. Kiko at patuloy na ipinaglalaban ang kanilang pagmamahalan.

Nagsasama pa rin sila sa iisang bubong at kahit na ano pang tsismis at paninira ang gawin ng mga bashers sa kanilang relasyon, hindi sila maghihiwalay.

Noong presscon ng pelikulang Kuwaresma, nabanggit ni Shawie na na-master na niyang dalhin ang mga “kuwaresma” sa kanyang buhay. Keri na niyang dalhin nang maayos kung anuman ang problemang kanyang pinagdaraanan.

Samantala, ang ex-BF naman ni Sharon na si Richard Gomez ay nagdeklarang proud siya na si Lucy Torres ang babaeng kanyang piniling paka­salan. Twenty-one years na ring kasal sina Richard at Lucy na nag-celebrate rin ng wedding anniversary last April 28, 2019.

Looking forward sina Sharon-Kiko at Richard-Lucy for their silver wedding anniversary.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page