Wa' rin daw 'K' mag-Darna… SARAH, PAYAT NA, KULANG PA SA HEIGHT


SA pag-backout ni Liza Soberano sa project na Darna, maraming pangalan ang naglitawan upang pumalit sa role.
Nababanggit sina Pia Wurtzbach, Maja Salvador, Jessy Mendiola, Catriona Gray, Sarah Geronimo, atbp..
Maraming nagba-back-up sa mga beauty queens na sina Pia at Catriona. Plus factor daw na matatangkad ang mga ito at mga beauty queens pa.
Isang grupo naman ng mga fans ni Sarah ang nagsabing mas deserving at mas may ‘K’ na mag-Darna ang Pop Princess.
Pero buwelta ng mga netizens, slim at kulang sa height si Sarah upang mag-Darna. Hindi rin daw ito maliksing kumilos na nararapat taglayin ng isang superhero. Marami pa namang fight scenes na gagawin sa Darna sakaling matuloy ang project.
Pero, ibinigay na ehemplo ang Star for All Seasons na si Vilma Santos. Petite si Ate Vi and yet, box office hit nang gumanap siyang Darna sa pelikula.
At hindi lang isa, ilang bersiyon ng Darna movie ang kanyang ginawa at ito ay tinanggap naman ng publiko.
So, ang choice ngayon na perfect sa Darna role ay sina Sarah at Kathryn Bernardo.
Sino kaya ang magiging final choice?





Comments