top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Van nahulog sa sakahan, 15 nadale

  • Jeff Tumbado
  • Apr 29, 2019
  • 1 min read

Nasa 15 katao ang sugatan nang mahulog ang kanilang sinasakyang van sa sakahan sa Paoay, Ilocos Norte, Linggo ng umaga.

Dinala sa iba’t ibang pagamutan ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City at Provincial District Hospital ang mga biktima na pawang sakay ng puting Nissan van na may plakang WVX 4922 na mula sa bayan ng Pagudpud.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang pasilangan ang sasakyan ay nag-overtake umano ito sa sinusundang sasakyan.

Posibleng nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng van kaya dumiretso ito hanggang sa mahulog sa sakahan.

Napag-alaman sa report na galing sa bakasyon ang mga biktima at pauwi na ng Maynila nang mangyari ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page