top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

UNTITLED PINOY PEDARSE, 2ND PLACE SA DUBAI CHESS

Eddie M.Paez, Jr.
Apr 29, 2019
1 min read

SINANDALAN ng untitled Pinoy chesser na si Marlon Pedarse ang anim na puntos at mas mataas na kartada sa tiebreak para ma­itakas ang pangalawang puwesto sa Dubai Chess and Culture Club Open Rapid Chess Championship sa Du­bai, United Arab Emirates.

Tinuruan ng leksyon ni Pedarse, pampito sa pre-tournament seedings, sina Archit Vimal ng India (round 1), Kuwaiti Meshal Alhejab (round 2), kapwa Pinoy na si Ibrahim Maman­tuc Jr. (round 3), Indian Kush Devnani (round 5), Al Morales (Pilipinas, round 6) at Carlos De Guzman (Pili­pinas, round 7) para sa ka­buuang anim na puntos. Ang tanging mantsa sa rekord niya ay ang pagkatalong na­tikman noong round 4 sa kamay ng Indian pride na si Mujawar Ali Abid.

Itinanghal na kampeon sa paligsahang umakit ng 67 na mga disipulo ng paspa­sang ahedres si International Master Eduard Kanter ng Russia dahil sa nakolekta nitong 6.5 puntos.

Inangkin ni Naveen Jain ng India ang huling upuan sa podium sa pagsasara ng bakbakan kung saan pinairal ang 10 minuto - 5 segun­dong limitasyon kada galaw.

Samantala, nangibabaw ang 14-anyos at 2nd seed na si John Lester Belano sa pa­ngalawang edisyon ng Cebu Chess Society Invita­tio­nal Sparring Games 2019 taglay ang halos walang duming rekord na apat na panalo at isang tabla sa Lungsod ng Cebu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page