top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tangke nag-leak, akala may barilan | MALL GOERS, NAG-PANIC

V. Reyes
Apr 29, 2019
1 min read

NAGDULOT ng panic sa ilang tao sa mall ang kumalat na umano’y insidente ng barilan, banta ng pambobomba at sinasabi pang lindol sa Farmers Plaza sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District Station 7, una nang itinawag sa kanila na may shooting incident sa Farmers Plaza ngunit, nang rumesponde ang mga pulis ay natukoy na nagkaroon ng leak sa tangke ng carbon dioxide (CO2) na ginagamit sa refill ng softdrinks.

Isang Diana Medrano, 24, na nagbabantay sa stall ng Handaan sa food court sa lower ground floor ng mall, ang nagbukas ng CO2 tank ng softdrinks pero, nag-leak ito.

Gayunman, nagdulot ng malakas na ingay ang leak sa tangke na naging dahilan para magtakbuhan ang mga nakarinig na kustomer at kumalat ang iba’t ibang espekulasyon kung ano ang narinig na malakas na ingay.

Agad kinordon ng mga pulis at guwardiya ang lugar para maimbestigahan ang insidente pero, natukoy sa bandang huli na tangke ng carbon dioxide ang nagdulot ng ingay.

Patuloy nang sinisiyasat ng pulisya ang posibleng may pananagutan sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page