Suko sa kahirapan | MISTER NAGBIGTI

KAHIRAPAN umano ang nagtulak sa isang mister upang magpakamatay sa Sitio Central, Bgy. Tabansak, Calauag, Quezon.
Pasado alas-9:00 ng umaga nang bumulaga sa misis ang wala nang buhay na mister na si Narciso Pastolero, 41-anyos.
Nakabitin ito sa kisame gamit ang rubber interior na siyang ipinulupot sa kanyang leeg.
Ilang araw na umano nilang napapansin ang pagiging problemado ng biktima dahil umano sa kahirapang dinaranas at hindi maibigay na ginhawa sa kanyang pamilya.
Samantala, wala namang nakikitang foul play sa insidente.





Comments