top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Siya na palaging masaya Ni: Irish Nepomuceno

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 29, 2019
  • 1 min read

Siya na palaging masaya.

Siya na kay lalim tumawa.

Siya na 'pag ngumiti ay nakahahalina.

Siya na tila walang bakas ng lungkot sa mukha.

Siya na ngumingiti sa likod ng mga problema.

Siya na sinanay kami na masaya, siya na kapag aming makikita.

Paano na lang kung siya ay mag-iba?

Hindi na makita ang kanyang pagtawa.

Sawa na siyang itago ang nadarama.

Pagod nang tumawa dahil hindi na niya kaya.

Nahirapan na siyang tawanan ang mga problema dahil ang taong isa sa mga dahilan ng ngiti niya ay wala na.

Paano na lang siya?

Paano na ang maraming taong sinanay niya?

Ang mga taong ayaw siyang makitang lumuluha at mahina

dahil napapatawa niya sila.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page