top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sey ng experts... MADALAS NA PAG-UPO, NAKAKARUPOK NG BUTO!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 29, 2019
2 min read

‘YUNG tipong nakaupo ka, pero ta­tayo ka para humanap ng ibang mauupuan. Ha-ha-ha! Ano, mga beshy, puro upo na lang ba? Bad ‘yan, lalo na sa kalalakihan dahil ayon sa pag-aaral, ang “couch po­tato” lifestyle ay prone sa pagkakaroon ng ma­rupok na mga buto. Ganern! De­hins lang tao ang marupok, tandaan ninyo ‘yan!

Ayon sa mga eksperto, nadiskubre nila sa pag-aaral na ang mga lalaki na madalas nakaupo kum­para sa mga babae ay nagkakaroon ng ma­rurupok na buto, partikular sa kanilang lower back.

Sa pag-aaral na nai-published sa Journal of Public Health, sinasabing ang pagkakaroon ng “sedentary lifestyle” ng mga lalaki ang dahilan kung bakit sila nag­kakaroon ng marurupok na mga buto na maa­aring humantong sa pagkakaroon ng osteopo­rosis.

Sa katunayan, sa UK ay mayroong kaso ng half a million fragility fractures na karamihan ay kinabi­bilangan ng mga lalaki.

Dagdag pa rito, knows ba ninyo ang pag­­kakaroon ng marurupok na buto ay prone rin sa pagkaka­roon ng Type 2 diabetes?

Ito ay dahil ayon kay Dr. Karen Hind ng Department of Sprot and Exercise Sciences mula sa Durham University, sa oras na nag­karoon ng excessive sedentary ang indibid­­wal, dito bumagabal ang kan­yang metabolismo na nagreresulta sa pagiging overweight o obese.

Samantala, bilang solusyon upang magka­roon ng matibay na mga buto, ipi­napayo ng mga eksperto ang 10,000 steps kada araw, gayundin, ang pagiging active upang maaga­pan ang panganib sa pag­kakaroon ng iba’t ibang sakit na may ka­ugnayan sa buto o kasu-kasuan.

Kaya sa mga beshy natin diyan na madalas nakaupo, tayu-tayo rin ‘pag may time, okay?

Alam nating minsan, masarap humilata sa upuan, pero kung ito ay ating makasasanayan, tayo rin ang mahi­hirapan.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page