Sanib-puwersang disaster preparedness at resiliency training ng PCUP at DRRM, ayos!


Kasabay ng selebrasyon ng Earth Day noong Abril 22, nakaranas tayo ng malalakas na pagyanig sa Luzon na tinatayang nasa Magnitude 6.1. Noong Abril 23, Magnitude 6.5 ang naitala sa Samar sa Visayas at kamakailan, noong Abril 24, Magnitude 4.5 earthquake naman ang gumulantang sa Mindanao.
Tatlong araw tayong nakaranas ng malalakas na lindol sa buong bansa. Marami nang nasaktan at ang iba ay nawalan ng minamahal sa buhay. Kailangan nating maging handa at siguraduhing ligtas ang bawat isa sa panahon ng sakuna.
Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Ano ang maaaring maitulong ng PCUP sa kababayan natin na maaaring masalanta ng sakuna? Maraming salamat! — John
Sagot
Para sa inyong kaalaman, ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ay proactive na nakikipag-partner sa ating mga lokal na DRRM office upang magsagawa ng mga disaster preparedness at resiliency training sa urban poor areas para sa ating kahandaan sa sakuna.
Ang ganitong klaseng training ay ibinibigay natin sa mga piling lugar na disaster-prone at minsan pa customized ayon sa vulnerability ng lugar.
Ang mga kasamahan natin sa DRRM offices ang nagde-decide kung ano ang nararapat na training ang ibigay base sa resulta ng kanilang vulnerability assessment. Nariyan ang training para sa lugar na bahain, fire-prone areas, landslide and earthquake prone areas at iba pa.
Pag-iibayuhin pa ng PCUP ang pagbibigay ng pre-disaster training sa mga lugar na nasa fault line at mga low-lying area dahil nalalapit na rin ang tag-ulan. Ito ay para mabawasan ang magiging dulot ng sakuna.
Susubukan din ng PCUP na gumawa ng ilang hakbang para sa post-disaster at makapagbigay-tulong sa mga apektado.
Kung kayo ay mayroong katanungan o suhestiyon, maaari kayong mag-email o sumulat sapcup.media2019@gmail.com, sa Official Facebook Page na www.facebook.com/pcupPH at gamitin ang hashtag na #PCUPatyourService. Maaari rin kayong bumisita sa ating tanggapan sa PCUP Office, 4th floor DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City.





Comments