top of page
Pokwang.jpg

Para sa mga nagtitipid diyan, kaya sumasakit ang tiyan... 8 SINTOMAS NG STOMACH ULCER

Donna Thea Topacio
Apr 29, 2019
2 min read

OKAY lang ang magtipid, lalo na kung walang-wala ka talaga, pero kung hindi na tama ang oras ng iyong pagkain na nagreresulta ng pananakit ng iyong tiyan, ‘yun ang hindi okay. Kaya para sa mga beshy natin diyan na hindi na pangkara­niwan ang nararamdamang sakit ng tiyan, alamin ang 5 sintomas ng stomach ulcer:

1. DULL PAIN IN THE STOMACH. Ito ‘yung sakit na mas masakit pa sa pag-iwan sa iyo ng dyowa mo, besh! Nararamdaman ito sa bandang sik­mura, kaya sa oras na ma­ram­da­man mo ito, make sure na mag­pa­pakonsulta ka na agad sa doktor.

2. WEIGHT LOSS. Kung dehins ka naman nagdidiyeta, pero naba­bawasan ang iyong timbang dahil sa madalas na pagsakit ng iyong tiyan, ulcer na ‘yan!

3. NOT WANTING TO EAT BECAUSE OF PAIN. Dahil masa­kit ang inyong tiyan, nawawalan na kayo ng gana para kumain pa. ‘Yung feeling na dehins ka na makatayo da­hil sa sobrang sakit ng tiyan ninyo. Aww!

4. NAUSEA OR VOMITING. ‘Yung feeling na nasusuka at nahihilo kayo kahit wala naman kayong kinain o ginawa na makapagti-trigger nito.

5. BLOATING. For sure, ma­raming relate rito, feeling bloated, hirap, 'noh? Ito ay dahil sa pag­ka­karoon ninyo ng sobrang gas sa tiyan na hindi ninyo nailalabas.

6. FEELING EASI­LY FULL. Kapag ma­bilis kang nabubusog kahit biscuit lang ang iyong kinakain, naku, isa na ‘yan sa mga sinto­mas ng pag­ka­ka­roon ng ulcer, besh!

7. BURPING OR ACID REFLUX. Kung nahihirapan kang dumighay kung saan pinipilit mo na lang ito dahil paki­ramdam mo ay marami ng gas sa tiyan mo, ulcer na ‘yan na may kasamang acid reflux na masakit sa dibdib at likod. Hu-hu-hu!

8. HEARTBURN. ‘Yung maki­rot na pakiramdam sa dibdib, ‘yun ang heartburn. Sa totoo lang, sobrang hi­rap kapag naranasan mo ito dahil may pagkakataon na puwede itong lumala.

Kaya sa mga lodi natin diyan na nagtitiis sa gutom, naku, bad ‘yan!

Kain-kain din ‘pag may time!

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page