NCR, S. TAGALOG AT W. VISAYAS MGA PETMALU SA PALARO

DAVAO—Sa kasaysayan ng Palarong Pambansa mula nang itinatag noong 1948 at unang nilaro sa Manila, ang mga rehiyon na National Capital Region, Southern Tagalog at Western Visayas ang nanalo ng overall championship at ang pinakamaraming napanalunan ay ang NCR na dinomina ang school-based competition sa mahabang taon hanggang ngayon.
Ang tanong, mapanatili kaya ng NCR na kilala sa tawag na Big City athletes ang 2019 Palarong Pambansa na aarangkada ngayong Lunes tampok ang mga atletang mula sa 13 rehiyon na magpapaligsahan sa mga sports kasama ang medal rich at premier sport athletics.
Hindi malayong muling kunin ng NCR ang overall championship dahil ang kanilang mga atleta ay gumagamit ng state-of-the-art equipment sa training at masusing ginagabayan ng makaranasan at well-trained coaches na sumali na rin sa iba’t-ibang international competitions lalo na sa swimming kung saan inaasahang muling dodominahin ng NCR.
Ang Western Visayas ay malakas sa athletics at mahina sa ibang sports kumpara sa NCR. Ang NCR ay binubuo ng 15 highly urbanized at progressive cities kasama ang Manila, Quezon City at Taguig. “Sa maraming taon, dinomina ng NCR ang Palarong Pambansa and the Big City Athletes most likely will reaffirm their supremacy of the annual school-based competition,” sabi ng isang mahilig sa sports.
Unang nilaro ang Palaro noong 1948 sa Manila bitbit ang orihinal na pangalang Bureau of Public Schools Interscholastic Athletic Association bago pinalitan ng pangalang Palarong Pambansa noong 1974.
Ang Palarong Pambansa ang breeding ground ng mga future sports stars at napupunta sa iba’t-ibang National Sport Associations.





Comments