top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nagkapikunan sa election forum sa simbahan, ex-VP Binay walang nagawa | ABBY AT JUNJUN NAGBANGAYAN S

  • Gina Pleñago
  • Apr 29, 2019
  • 1 min read

NAUWI sa bangayan ng magkapatid na sina Junjun at Abby Binay ang election forum na ginanap sa isang Simbahan sa Makati City.

Magkatunggali ang dalawang Binay sa pagka-alkalde sa nasabing lungsod.

Sa naturang forum na inorganisa ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting noong Sabado ng gabi, napanood ng daan-daang tao ang sagutan ng magkapatid.

Kahit magkatabi ang upuan sa altar ng San Ildefonso Parish, tila may pader na nakapagitan sa kanila.

Gayunman, lalo umanong nagkatensiyon nang magpalitan ng pasaring sina Abby at Junjun.

“Sa natitirang panahon ng kampanya ay tigilan na ang pagkakalat ng kasinungalingan. Tigilan ang pagyuyurak sa aking pagkatao at sa aking asawa. Hindi kayo mananalo nang ganyan,” ani Abby.

Pagbalik nito sa upuan, kapansin-pansin ang tila mainit na usapan nila ni Junjun na tila ba nagsisigawan.

Hanggang sa lumapit na ang hepe ng Makati police at ang ama ng dalawa na si dating Vice-President Jejomar Binay para pumagitna na rin.

Ani Junjun, hindi na siya nakapagtimpi matapos umanong ‘pandilatan’ ni Abby.

Matapos ang hindi inaasahang eksena, tinapos na rin ng PPCRV ang forum kahit pa naetsapuwera ang ibang kandidato.

Matapos ang bangayan, sinabi ni Junjun na tila napikon ang kanyang ate dahil akala nito’y pinatatamaan niya ang mister ni Abby.

Matapos ang away sa Simbahan, dumiretso si Abby sa kampanya sa isang barangay.

Nag-aakusa siya sa akin tungkol sa asawa ko. Adik daw o meron kaming kinalaman sa pagpatay sa sekretarya niya. Hindi dapat ganu’n ang klase ng kampanya,” ani Abby.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang magkakapatid na Binay sa nangyari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page