May kasama sa dagat
- BULGAR

- Apr 29, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Hannah ng Hannah_Caguioa @facebook.com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin kapag palaging napananaginipan ang dagat, tapos, mayroon akong kasama?
Naghihintay,
Hannah
Sa iyo Hannah,
Ang dagat ay simbolo ng pangarap at dahil sa dagat ay may kasama ka, ibig sabihin, may kasama kang nangangarap.
Napakagandang pangyayari ito sa buhay ng tao, lalo na sa tulad mong babae dahil ang lalaki ay makakasama mo sa iyong mga pangarap.
Kaya ang lalaki sa buhay mo ay hindi lang lover kundi partner in life pa, ibig sabihin, siya ang iyong soulmate.
Maraming babae ang na-in love, pero ang kanilang minahal ay walang pangarap, kaya sa huli, sising-sisi ang mga babae na nag-aksaya lang ng pera o kabuhayan at oras sa kanilang minahal na walang pangarap.
Ang successful marriage, iha, ay ang mag-asawa na umaasenso ang pamilya na ang unang dahilan ay sabay na nangangarap ang mag-asawa.
Ito rin ay dahil iisa lang ang layunin nila sa buhay, gayundin ang kilos, isipan at puso dahil sila ay pinag-isa ng kapalaran.
Kapag ang mag-asawa ay magkaiba ng kilos, isip at kagustuhan, ang marriage ay maaaring masira.
Kaya ngayong sobrang moderno na ang mundo, kani-kanya ang mga tao.
Mahirap tanggapin, ang masaklap na katotohanang ito sa buhay ng tao na ang kanilang marriage ay paper marriage lang, as in, sa papel lang sila kasal, pero hindi sa tunay na kahulugan ng marriage.
Hindi mangyayari ito sa iyo dahil ginagarantiyahan ng iyong panaginip na ang iyong marriage ay “match made in heaven”.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments