top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Malinaw ayon sa palad... LALAKING NAKATAKDANG MAGING SEAMAN DAHIL SA TULONG NG KAKLASE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 29, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. May trabaho ako ngayon bilang computer technician sa tindahan ng mga computer. Masaya ako rito at kahit minimum lang ang suweldo ko ay sapat na sa akin dahil binata pa ako.

  2. Ang problema, nang mag-reunion kami ng mga classmate ko noong college, nabalitaan ko na ‘yung ibang mga classmate ko ay nakapag-abroad at ma­gaganda na ang buhay, kaya sabi sa akin ng classmate ko ay isasama at tutulungan daw niya ako na ma­kapagbarko dahil sa shipping agency siya nagta­tra­baho at ako naman ay dati na ring kumuha ng kursong Marine Engineering.

  3. Kaya nais kong malaman kung may magandang Travel Line sa aking mga palad kung sakaling maisi­pan ko ring magbarko o mag-ab­road?

KASAGUTAN

  1. Pagkakataon mo ng umasen­so, Waldo, kung saan hindi mo ito da­­pat sayangin o palagpasin pa kay­­sa nagtitiyaga ka riyan sa kasa­lukuyan mong kumpanya na kaka­rampot ang suweldo at hindi ika­yayaman o ika­uunlad ng pamilya mo. Oo, hindi ka makaiipon diyan at wala kang magandang future kung sakaling ikaw ay magtatayo ng sarili mong pamilya, sa halip, ang mas mainam ay mag-abroad ka. Ito ang nais sabihin at ipagawa sa iyo ng malinaw na Travel Line (Drawing A, at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na ang pinakamabuting dapat mong maging desisyon ay sumunod sa mungkahi ng iyong kaibigan o kaklase na nagtatrabaho sa barko nang sa gayun sa tulong niya ay maging lehitimong seaman ka na, tutal naman sabi mo tapos ka ng Marine Engi­neering.

  3. Ang pag-aanalisang makapag-a-abroad ka at makapagbabarko ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=1). Tanda na sa pangingibang-bansa, mas uunlad at aasenso ka.

  4. Pansinin ding kusang sumabay at tuluyang nakiisa sa Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) ang Guhit ng Kaibigan o Influence Line (K-K arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad kung saan nag-anyo na parang dalawa ang iyong Fate Line (arrow b. at c.), tanda na sa tulong ng iyong mga kaibigan, sigurado na ang magaganap – makasasampa ka sa barko, magiging seaman at mararating mo ang iba’t ibang bahagi ng karagatan habang patuloy na lumalaki ang iyong kini­kita at suweldo.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Waldo, kung tatanggapin mo ang paanyaya o alok sa iyo ng iyong mga kaklase na mag-apply sa shipping company na pinapasukan nila, tiyak ang maga­ganap, sa su­sunod na taong 2020, sa buwan ng Abril o kaya ay Hunyo tulad ng mga class­mate mo, makasasampa ka na sa barko at sa sandaling nakapag-ab­road ka, mas mabilis na aangat ang iyong ca­reer at lalago ang iyong ka­buhayan at kapag nagkapamilya ka na, tuluy-tuloy na ring uunlad at a­asenso ang kabu­hayan ng itatayo mong pa­milya, ha­bambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page