top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lola namatay sa sunog

Pabs Hernandez III
Apr 29, 2019
1 min read

KIDAPAWAN CITY — Isang 82-anyos na lola ang namatay nang masunog ang kanilang bahay, ka­makalawa sa Bgy. Magsaysay sa lungsod na ito.

Ang biktima ay nakilalang si Rosita Diaz, nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na nag-iisa lang sa kanilang bahay si Diaz nang masunog ang kanilang bahay at dahil sa katandaan ay hindi agad ito nakalabas ng bahay kaya namatay ang biktima sa sunog.

Iniimbestagahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa bahay ng biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page