top of page
Pokwang.jpg

Kagawad tepok sa gunman

Pabs Hernandez III
Apr 29, 2019
1 min read

LUCENA CITY—Isang barangay kagawad ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Dalahican Road, Bgy. Mayao sa lungsod na ito.

Ang biktima ay nakilalang si Kagawad Ariel Sotomayor, residente ng Bgy. Ibabang Dupay sa nasabing lungsod.

Nabatid na habang minamaneho ni Sotomayor ang kan­yang motorsiklo at kaangkas ang kanyang misis nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page