Illegal logger noon, nagtatanim na ng mga puno ngayon
- BULGAR

- Apr 29, 2019
- 1 min read

MARAMI nang puno ang pinutol upang tayuan ng bagong imprastruktura at establisimyento.
Isa ito sa mga itinuturong dahilan ng mga pagbaha tuwing bumubuhos ang ulan.
Matatandaang, ipinagdiwang noong Abril 22 ang Earth Day at bilang paggunita, 100 dating iligal na namumutol ng mga puno ang lumahok sa pagtatanim ng mga puno sa Puerto Princesa City, Palawan.
Mula sa pagiging illegal logger, naging magsasaka na ang mga ito nang magtanim ng 1,000 saplings ng mga uri ng puno na matatagpuan lamang sa naturang probinsiya.
Sila rin ang nakatoka sa pag-aalaga ng mga ito hanggang sa lumaki at tuluyang maging puno.
Para sa mga indibidwal na may iligal na gawain noon, magandang simula ito upang makabawi sa kalikasan.
Bilang mamamayan, hindi lamang tuwing Earth Day natin ipinakikita ang pagpapahalaga at pangangalaga sa ating kalikasan.
Ngayon pa lang, mabuting pangalagaan ito upang makita ng susunod na henerasyon ang natural na kagandahan nito.





Comments