top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dahil out si Maine sa commercial… INEENDORSO NINA ALDEN AT KATHRYN, IPINABOBOYKOT NG ALDUB FANS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 29, 2019
  • 2 min read

Nitz Miralles / BIDA

NAG-RESUME agad ng shooting ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye sina Kathryn Ber­nardo at Alden Richards pagbalik nila sa Hong Kong. Pero bago bumalik du’n, nag-shoot muna ang dalawa ng TVC ng Magnolia Ice Cream na tamang-tama ang airing at lalabas na advance promo ng pelikula ng dalawa.

Inaabangan na ang airing ng TVC ng Magnolia nina Kathryn at Alden. Nakalulungkot lang na may ilang AlDub fans na nagtatawag na i-boycott ang naturang produkto dahil iba na ang kasama ni Alden. Pero sumagot ang mga fans ni Kathryn na susupor­tahan ang Magnolia at ang Hello, Love, Goodbye.

Samantala, sa Twitter na ipina­daan ni Alden ang pasasalamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa successful soft and grand opening ng McDonald’s store nila ng kanyang pamilya sa Biñan City, Laguna.

Ang salitang ‘salamat’ ay isa sa mga salitang hindi nakakapagod sabihin lalo na sa mga taong hindi nagbabago at patuloy kang binibigyan ng inspirasyon at tiwala. Kaya maraming salamat ‘SA INYO’ para sa walang sawang suporta. Kayo ang aking lakas,” pasasalamat ni Alden.

Dumagsa ang libu-libong tao sa grand opening ng McDo store nina Alden at kinailangan nilang tumulong ng sister niyang si Rizza Mae na managing director ng store para ma-meet ang order.

Si Alden na OO o Owner Operator, nakita sa kitchen ng McDo na naghuhugas, nagsaing, nag-fry ng French fries at nag-mop ng floor. Kaya sabi ng mga fans, lalo silang ginanahang suportahan si Al­den dahil sa kasipagan at kababaan ng loob nito.

After HK, lilipad pa-New York si Alden sa May 9, para sa Studio 7 Musikalye na gagawin sa May 11 sa Kings Theater sa Brooklyn. After New York pa niya kakayaning tumao sa McDo ‘pag wala siyang trabaho.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page