top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BLUE EAGLES, PAKAY ANG TOP 2 SPOTS, TIGERS BABAWI SA D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 29, 2019
2 min read

MAKOPO ang isa sa top 2 spots ng kanilang grupo ang tatangkain ng Cignal-Ateneo sa pagsagupa nila sa Che’Lu Bar and Grill ngayong hapon para sa huling laro nila sa eliminations ng 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao.

Taglay ang kartadang 7-1, panalo-talo, magtatangkang dagitin ng Blue Eagles ang ika-6 na sunod nilang panalo sampu ng twice-to-beat advantage sa crossover quarterfi­nals sa pagharap nila sa Revellers ngayong ika- 3:00 ng hapon.

Pero kung si Ateneo coach Tab Baldwin ang tatanungin, mas mahalaga sa kanya na magkaroon ng improvement kada laro ang Blue Eagles kaysa sa puwesto sa playoff round. “When you go through an offseason, your system should grow. We don’t do a lot of our system stuff in January through June, but little by little, we’re introducing a couple of different things that we may or may not use later on,” ani Baldwin.

Muli, inaasahang pangungunahan ang Blue Eagles nina Ivorian slotman Ange Kouame, Thirdy Ravena at ang kambal na sina Matt at Mike Nieto.

Sa panig ng kanilang katunggali, magsisikap naman ang Revellers na makabalik sa playoff race kasunod ng pagbaba nila sa markang 3-2, dulot ng 92- 101 kabiguan nila sa Go for Gold-CSB. Sasandigan muli ni coach Stevenson Tiu sina Jeff Viernes, Jhaps Bautista, Jessie Collado, Sean Ma­nganti at Rey Suerte upang pamunuan ang Revellers.

Samantala, sisikapin ng Ironcon-UST (4-1) na maka­balik sa winning track sa pagharap nila sa McDavid (1-5) sa unang laban ganap na 1:00 ng hapon. Magsusumikap ang Tigers na makabawi mula sa natamong 101-114 kabiguan sa kamay ng Petron-Letran noong Abril 11.

Tatangkain naman ng McDavid, na burahin ang nakapanlulumong 31-106 na pagkatalo sa Cignal-Ateneo noong Abril 16. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page