Aftershocks, patuloy na yumayanig sa bansa

NAKAKAPAGTALA pa rin ng maraming aftershocks sa mga malalakas na lindol na naranasan sa ilang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Hanggang alas-8:00 ng Linggo ng umaga, naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang 883 aftershocks ng Magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon noong Lunes. Mula sa nasabing bilang, 111 ang plotted habang 11 ang may intensity o naramdaman.
Ang aftershocks sa Magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar ay umabot na ng 158 kung saan 33 ang plotted at anim ang naramdaman.
Aabot naman sa 481 aftershocks ang na-monitor ng ahensiya dahil sa malakas na lindol sa General Luna, Surigao del Norte.
Nasa 173 ang plotted habang tatlo ang may intensity.





Comments