top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

4 kulong sa baril at droga

Maeng Santos
Apr 29, 2019
1 min read

APAT na hinihinalang drug personalities kabilang ang tricycle driver na sideline umano ang pagtutulak ng iligal na droga ang arestado sa drug buy-bust at anti-criminality campaign ng pulisya sa Malabon City.

Sa tinanggap na ulat ni Malabon Police Chief P/ Col. Jessie Tamayao, alas-9:30 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng SDET sa pangunguna ni PLt. Rolan­do Domingo ang buy-bust operation sa Tiwala St., Bgy. Tonsuya na nagresulta sa pagkakaaresto sa tricycle dri­ver na si Rizaldy La Fuente alyas Cogan, 28, pus­her, ng Bgy. Longos at Luisito Gar­ganta alyas Luis, 40, user, ng Sito Balut, Bgy. Tonsuya.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hini­hinalang shabu at buy-bust money.

Alas-2:00 naman ng ma­daling-araw, nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang mga tauhan ng PCP-3 sa pangunguna ni PSSgt. Jeffer­son Catalan sa kaha­baan ng Labahita St., Bgy. Lo­ngos nang isang con­cerned citizen ang lumapit at ini-re­port ang hinggil sa dalawang lalaki na naghahamon ng away habang armado ng baril.

Agad rumesponde sa naturang lugar ang mga pulis na nagresulta sa pagkaka­aresto kina Rudy Boy Bar­ce­nas alyas Bunso, 34, at Christian Roberto alyas Ian, 19, kapwa ng Bgy. 14, Ca­loo­can City at narekober sa mga suspek ang isang cal. 9mm pistol na may tatlong bala at dalawang sachets ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page