top of page
Pokwang.jpg

120 pari ‘sangkot’ sa sexual abuse

Jersey Sanchez
Apr 29, 2019
1 min read

HUMINGI ng tawad ang cardinal ng Archdiocese of New York matapos makumpirma na mataas ang bi­lang ng kaso ng pang-aabuso mula sa kanilang hanay.

Sa liham ni Cardinal Timothy Dolan, malaking kahihiyan na umabot sa kanyang nasasakupan ang pang-aabuso ng mga pari sa mga menor-de-edad.

Ipinagdarasal din aniya ang mga kasamahan sa Simbahan na nasasangkot sa kontrobersiya.

Batay sa ulat ng watchdog site na Bishop Ac­coun­tability, higit 120 diocese sa Estados Unidos ang nasangkot sa child abuse at pornography.

Ayon sa presidente ng grupo na si Terry McKier­nan, malaking bagay na nailabas ang listahan para sa kaalaman ng mga Katoliko.

Samantala, ayon sa ilang advocates laban sa sexual abuse, hindi pa puwedeng pagkatiwalaan ang listahan dahil kulang ito at wala pang mga matibay na ebidensiya.

Gayunman, nasa 13 estado sa Amerika ang nag­lunsad ng imbestigasyon laban sa mga kawani ng Simbahang-Katolika na nasasangkot sa pang-a­abuso. Hinimok ni Pope Francis ang Catholic leaders na bigyang-pansin ang sigaw ng mga inosente para sa hustisya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page