Umawat sa away | NEGOSYANTE BINARIL SA ULO, UTAS

DEDO ang 38-anyos na negosyante matapos barilin ng isang lalaki na sakay ng kotse makaraang umawat ang biktima sa pagtatalo ng suspek at ng driver sa Caloocan City, kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Rommel Balatbat, residente ng Bgy. 171, Bagumbong.
Patuloy na ang follow-up operation ng pulisya para maaresto ang suspek na nakilala lang sa Xian Margalo na mabilis na tumakas sakay ng puting Hyundai Elantra (UNI-491).
Ayon sa ulat, alas-11:15 ng umaga, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at ng driver ng L 300 sa kahabaan ng Block 10, Lot 1, Palmera Spring, Phase 3-A, Bgy. 175, Camarin ng nasabing lungsod.
Tinangka namang umawat ng biktima kaya nabaling sa kanya ang galit ng suspek at kumuha ito ng baril sa kanyang sasakyan saka pinaputukan sa ulo si Balatbat bago tumakas.





Comments