Titser patay sa killer truck

TODAS ang 30-anyos na guro matapos sumemplang at mawalan ng kontrol sa kanyang sinasakyang motorsiklo at masagasaan pa ng kasabayang trailer truck, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.
Dead-on-the-spot si Patrick John Cabiles, residente ng Tondo, sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan.
Naaresto naman ang suspek na si Richard Valera, 28, driver, residente ng Caloocan City.
Batay sa ulat ng Manila District Traffic Endorsement Unit, alas-7:40 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Road 10, Tondo.
Ayon sa imbestigasyon ni P/SMSgt. Junjun Jasminez, sa kuha ng CCTV sa lugar, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo na may plakang 1366-0186578.
Bumabagtas ito pa-norte sa Road 10, nang bago sumapit sa kanto ng Katuparan St., nawalan ito ng kontrol sa behikulo sanhi upang sumemplang ito at bumagsak sa semento.
Kasunod nito, nasagasaan pa ng trailer truck (tractor head ABG 4804 at trailer TUH 309) na minamaneho ni Valera.
Agad namang naaresto ni Bgy. ex-O Francisco Bagayunan ang suspek at dinala sa presinto.





Comments