Red tide sa Pangasinan

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkain ng mga shellfish mula sa dalawang bayan sa Pangasinan dahil sa red tide toxins.
Ayon kay BFAR Regional Director Lilibeth Signey, nakumpirmang may red tide toxins sa karagatang sakop ng mga bayan ng Bolinao at Anda, batay sa kanilang isinagawang sampling at monitoring sa mga coastal area sa Western Pangasinan.
Gayunman, hindi kabilang ang Wawa River sa naapektuhan at natukoy na negatibo sa red tide toxins.
Paalala ng BFAR sa publiko, hindi pinapayagan ang pagtitinda, pagbili, pagkain at pag-aangkat ng anumang uri ng shellfish mula sa nasabing mga bayan.
Maaari umanong malason ang sinumang kakain ng shellfish mula sa nabanggit na mga lugar.





Comments