top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga numero-unong pasaway — TREU | BORACAY BINABOY NG MGA INTSIK AT KOREANO

V. Reyes
Apr 28, 2019
1 min read

NANGUNA ang mga Chinese natio­nal sa listahan ng mga malimit na luma­bag sa ipinatutupad na mga ordinansa sa Boracay Island.

Batay sa ipinalabas na impormasyon ng Boracay Tourism Regulatory Enforcement Unit, aabot sa 739 pag­labag ang kinasangkutan ng mga Intsik mula noong Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon.

Sa nasabing bilang, 150 ang naitalang paglabag ng mga turistang Chinese noong Enero, 248 noong Pebrero, 207 noong Marso at 134 ngayong buwan.

Pangalawa sa listahan ang Korean nationals na may 277 na paglabag sa nabanggit na panahon. Pangatlo ang mga Pilipino sa mga pasaway na may 92 paglabag at sinundan ng Russians at Taiwanese.

Ilan umano sa mga paglabag na ginawa ay ang paninigarilyo, pagkakalat at pagkain sa beach.

Sa kabila nito, sinabi ng Boracay Inter-Agency Task Force na kung tutuusin ay nabawasan na ang mga lumabag sa ordinansa mula nang ipatupad ng mga aw­toridad ang mahigpit na pagdidisiplina at pagmo­monitor sa isla.

Nauna na ring sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na pinakamarami ang mga Chinese sa hanay ng mga dayuhan na bumibisita sa Boracay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page